GMA starts promoting John Lloyd Cruz sitcom

Sakto ngayong Kapaskuhan, opisyal nang inilabas ang teaser plug ng much-awaited sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA Network na ‘Happy To Get Her’ nitong Lunes.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay pumirma ang Box Office King ng partnership deal sa Kapuso Network para sa kanyang gagawing sitcom sa ilalim ng direksyon ni Wacky Solutions, Inc. director and line producer Edgar “Bobot” Mortiz.

Bumuhos naman ang excitement at saya sa comments section ng naturang teaser mula sa fans ng multi-awarded actor lalo pa at ito ang magiging comeback project ni John Lloyd matapos ang ilang taon niyang hiatus sa showbiz.

Ani ng isang netizen, “Grabe, hindi pa rin nagbabago si John Lloyd. Lakas pa rin talaga ng appeal sa pagpapasaya at pagpapakilig. Even as a new Kapuso, it was obvious na kumportableng-komportable na siya with his new friends sa GMA at sa kanyang pagbabalik eksena.”

Komento pa ng isa, “Ito talaga ‘yung inaabangan kong comeback! Super happy na JLC is really back on screen to showcase his comedy side. For sure, isa ito sa mga magiging favorite feel-good sitcom ko!”

Kaabang-abang naman talaga ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd sa Kapuso Network pati na rin kung sinong artists ang makakasama niya sa Happy To Get Her.

The post GMA starts promoting John Lloyd Cruz sitcom appeared first on PSR.ph.



GMA starts promoting John Lloyd Cruz sitcom
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post