‘Nelia’ star Winwyn Marquez expecting first baby

“Umiyak siya, hindi ko alam kung bakit siya umiyak,” ang natatawang rebelasyon ni Winwyn Marquez tungkol sa naging reaksyon ng ama niyang si Joey Marquez nang ipaalam ni Winwyn na buntis siya.

Yes, six months pregnant si Winwyn! Naganap ang nakaka-happy na rebelasyon ni Winwyn sa grand presscon ng Nelia, ang Metro Manila Films Festival entry ng A&Q Films sa December 25.

Hindi pa niya alam kung boy or girl ang magiging anak niya.

Kuwento pa ni Winwyn, super-saya rin ng ina niyang si Alma Moreno sa bagong blessing na ito sa buhay ni Winwyn. 

Bakit sa wakas ay umamin na si Winwyn tungkol sa kanyang interesting stage? Ayaw na raw magsinungaling ni Winwyn dahil aminado siya na nahihirapan siya na umapuhap ng isasagot sa tuwing may nagtatanong sa kanya kung nagdadalang-tao nga siya. 

At sinabi ng aktres na napakasaya niya na sa wakas ay naibahagi na niya sa members ng media at sa publiko ang tungkol sa blessing na paparating sa buhay niya. 

At dahil may paniniwala ang marami na suwerte ang isang buntis, hahakot ba ng suwerte sa takilya ang Nelia at maging sa awards?

Ang sagot ni Winwyn, ang maging nominado lamang siya ay labis na niyang ikatutuwa, baka raw manlibre siya kapag na-nominate siya lalo na siguro kapag nanalo siyang pinakamahusay na aktres.

Pero hindi raw siya umaasa, ang importante raw ay naibigay niya ang akting na hinihingi sa kanya sa Nelia.

Nasa Nelia rin sina Raymond Bagatsing, Shido Roxas, Juan Carlos Galano, Ali Forbes, Sara Javier, at Lloyd Samartino, sa direksyon ni Lester Dimaranan. 

Ang Executive Producers ng Nelia ay sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño.

The post ‘Nelia’ star Winwyn Marquez expecting first baby appeared first on PSR.ph.



‘Nelia’ star Winwyn Marquez expecting first baby
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post