Rhea, Jelai join forces for Beautéderm Health Boosters

Pinuri ng Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang natural na kabaitan ni Jelai Andres, bagong endorser ng Beautéderm Health Boosters.

Esplika ni Ms. Rhea, “Gusto ko si Jelai kasi aliw na aliw ako sa kanya and sabi nga nila na napaka-humble raw ng batang ito. Kasi, gusto ko talagang masama sa pamilya yung taong mabait talaga na hindi yung nasa front lang ng camera kaya kailangang mabait.

“Siya talaga cowboy, gusto ko ng mga ganoong alaga. Siyempre, very important din, sabi ko nga, isa sa factors na kino-consider ng mga negosyante yung maraming followers.

Beautéderm owner Rhea Tan

“Gusto kong ma-tap din ang followers ni Jelai kaya kinuha po natin siya para maging ambassador ng Beautederm.”

Dagdag pa ng lady boss ng Beautederm, “Tapos napansin ko pa, kasi I also have a designer’s store (A-list Avenue), ang ibinigay ko sa kanya ay LV bag noong una, iyong iba kasing mga binibigyan mo ng items, parang minsan lang… hindi ba parang okay na, ganoon.

“Pero siya talagang, ‘Mommy, kapag ginamit ko, ipo-post ko ulit…’ Parang na-appreciate mo yung little things na… hindi gaya ng iba na talagang alam mong, ‘Okay, na-post ko na, ba-bye na.’ Siya talagang kapag gamit niya, post. Kapag ano niya, tag… Hindi lang minsanan, pero makikita mo yung effort niya para tulungan din iyong nag-uumpisang negosyo ko na i-promote siya.

“Tapos ultimo sapatos lang ang ibinigay ko o maliit lang na bagay, ultimo jacket nga lang, ilalagay pa niya sa news feed niya. Alam nyo naman minsan ngayon ang mga million ang followers, napaka-ginto ang ilalagay nila sa newsfeed nila.

“Eh siya parang jacket lang na Balmain ang ibinigay ko, ilang beses pa niyang minomodel at ibinibigay pa niya lahat ng effort niya, para maganda iyong presentation niya.

“So, I appreciate little things, alam nyo naman ako na mababaw lang ang aking kaligayahan,” nakangiting wika pa ni Ms. Rhea.

Sa parte ni Jelai, ipinahayag naman niya ang labis na kasiyahan sa pagiging bahagi ng Beautederm family.

Wika niya, “I feel so blessed and sobrang happy po. Kasi, sa dinami-dami nang mga actors, actress, endorsers… isa ako sa pinagkatiwalaan ng Beautederm health booster and happy ako na nagtiwala sila sa akin na i-endorse ang mga product na ito.

Jelai Andres for Beautéderm Health Boosters

“Alam ko naman na hindi ako mapapahiya sa mga tao na ipromote at ipagamit din sa ating mga kababayan itong Beautéderm Health Boosters. Maraming-maraming salamat po, super happy po ako.”

Si Jelai ay may 17.7 million consolidated followers sa kanyang Facebook, Instagram, YouTube, at Twitter platforms at dahil dito’y isa siya sa pinaka-prominenteng influencers sa social media ngayon.

Ang gahiganteng following ni Jelai sa social media ang nagbigay daan sa kanyang very promising career bilang isang aktres na lumabas siya sa pelikulang Feelennial noong 2019 at pati na rin sa mga top-rating serye ng Kapuso Network gaya ng One Of The Baes at Owe My Love at pati na rin sa YouTube short films na Barang at Sama Ka.

Ang Beautéderm Corporation ay patuloy sa pag-promote ng healthy living sa pagsalubong nito sa aktres, YouTube content creator, at social media personality na si Jelai bilang brand ambassador ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters – ang pinakabagong line ng health supplements nito.

Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-compliant at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.

With an extremely active and busy lifestyle, mahalaga para kay Jelai na panatiliin ang kanyang magandang kalusugan lalo na ngayong pandemya, “Importante para sa akin ang tamang oras ng pagtulog, uminom ng maraming tubig, at siyempre healthy diet. Mahalaga rin ang outlook. Sinisiguro ko na lagi akong nakangiti at masaya. Siyempre, kailangan ko ang aking daily dose ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters para maharap ko ang aking araw at makompleto ko ang ang mga dapat kong gawin sa araw-araw ng mayroong vigor at vitality.” 

“We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador,” pakli ni Ms. Rhea.

“Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to the fullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that.”

“The pandemic has taught and reminded us so many things – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, that family is very precious, and that we should always take care of our health. We need to boost our immune system and take care, not just of our bodies but also our minds as well.

“Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay ang aking maliit na kontribusyon to make sure that everyone is in tiptop shape and healthy. Tama si Jelai na kailangan natin ng vigor and vitality in accomplishing our daily tasks and REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters is here to help us live the healthy lifestyle that we all deserve,” esplika pa ni Ms Rhea.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters at exciting updates ukol kay Jelai Andres at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; sundan ang @beautedermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm on Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

The post Rhea, Jelai join forces for Beautéderm Health Boosters appeared first on PSR.ph.



Rhea, Jelai join forces for Beautéderm Health Boosters
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post