Sheng Belmonte recalls collab with Gloc-9, releases new song

Nagsimulang makilala si Sheng Belmonte sa mundo ng showbiz nang maging bahagi siya ng Pinoy Dream Academy-Season 2. Mula rito’y umusbong na ang kanyang career sa musika, pati na rin sa pag-arte sa harap ng kamera.

Sa aming panayam kay Sheng thru FB, ibinahagi niya kung paano nag-start ang kanyang singing career.

Kuwento niya, “Parte po ako ng isang show band na nagpe-perform sa mga bar, hotels, and iba pang venues sa Pilipinas, hanggang sa nag-solo po ako at napunta ng comedy bar. Tapos, naging parte ng Pinoy Dream Academy-Season 2.

“Naging part din ng Star Magic hanggang sa naka-collaborate ko po si Gloc-9… nang hindi nag-work ‘yung trio namin na mala-Black Eyed Peas na plano ng Sony Music Philippines na i-release na po sana na parang Fergie nila with two rappers with me.

“Pero hindi ko po akalain na mapipili iyong kanta ko with Gloc-9 na maging carrier single ng album niyang Talumpati, at naging number-1 ito sa radio at music channel. Kaya naman po ini-release ako ng Sony Music na solo artist after ng success ng collaboration namin at hindi na as trio with two rappers,” wika pa ni Sheng.

Bukod sa pagiging singer, sumabak din siya sa ilang acting projects, Ngayon ay nakabase na si Sheng sa UAE. Nagtatrabaho siya sa isang company, pero may time pa rin siya sa kanyang passion sa musika.

Inusisa namin ang kanyang latest single. “Ang bago kong single ay pinamagatang Let Me Know. Gusto ko po ng isang song na inspiring about long distance relationship, pero masaya o nakakaindak pa rin kaya po nanghingi ako ng tulong kay Marcus Davis para makapag-produce ng ganitong kanta.

“Nagbigay din po ako sa kanya ng mga sample ng tunog na gusto ko para sa kanta, para ma-achive yung gusto kong song.”

Maganda ang music video ng Let Me Know at aminado si Sheng na ibang klaseng challenge ito para sa kanya.

Pahayag niya, “Very challenging po on my end dahil first time ko po mag-self produce. Ang mga previous songs ko po kasi may labels ako na katulong sa pagplano at sa gastusin ng kanta at music video.”

Idinagdag pa ni Sheng na kinailangan niyang gawin ito sa labas ng ating bansa nang nag-lockdown ulit sa ‘Pinas.

Ano ang plano niya para sa kanyang career?

“Recently po ay nagsimula akong ma-involve sa ebolusyon ng technology na kamakailan ay napakabilis po ng pag-advance, ito po ay sa mundo ng tinatawag nating web 3 world sa pamamagitan ng NFTs at fan access.

“Nakipag-partner po ako sa isang revolutionary new technology na kompanya, ito po ay ang Star Stake na isang NFT-based royalty market place na maglo-launch po this early 2022 na tutulungan ako na mas maging involve po ang mga taong sumusuporta sa akin at ma-incentivise sila sa suportang ibinibigay nila sa akin, all this time. A way to put my fans and supporters first.

“This will allow me po na makagawa ng something na kakaiba para makasabay sa pag-usbong ng metaverse at Web 3.0. Para sa akin po, isa itong way para ma-reinvent ko ang sarili ko, kaya naman grateful ako sa mabilis na pag-evolve ng technology. Kasi po, it will allow us to do something new at dream ko po na maraming ibang artist din akong matulungan sa success ng project na ito at matulungan sila na maging in control din ng kanilang sariling careers, specially po sa mga independent artists na kagaya ko ngayon,” mahabang pahayag pa ni Sheng.

The post Sheng Belmonte recalls collab with Gloc-9, releases new song appeared first on PSR.ph.



Sheng Belmonte recalls collab with Gloc-9, releases new song
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post