Brillante Mendoza on Sisid: Seryoso ang treatment namin dito

Nagbabalik ang award-winning director na si Brillante Mendoza sa pelikulang Sisid, na hindi lang puno ng maiinit na eksena, kundi puno rin ng nagbabagang mga emosyon at drama.

Para sa pelikulang ito na mapapanood sa Vivamax, kinuha ni direk Brillante ang mga hottest stars na sina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Christine Bermas, at Kylie Verzosa.

Si Direk Brillante ay kilala bilang Cannes International Filmfest Best Director para sa pelikulang Kinatay at sa obra niyang Ma Rosa na nagbigay ng Cannes Best Actress award kay Jaclyn Jose.

Si Jason (Paolo), isang Marine Biologist, at asawang si Abby (Kylie) ay magpupunta sa Pola, Mindoro, na aatasan si Jason na pamunuan ang rehabilitation at preservation ng isang fish sanctuary.

Doon makikilala ni Jason ang kanyang diving assistant na si Dennis (Vince). Habang magkasama sa trabaho, mas makikilala nila ang isa’t-isa. 

Makikilala ni Jason ang pamilya ni Dennis sa kanyang mga kuwento at bilib si Dennis sa pagmamahal ni Jason sa kanyang trabaho.

Malalaman din nila ang kanilang malalaking problemang hinaharap. Nabuntis ni Dennis ang kanyang girlfriend na si Tanya (Christine), habang si Jason at Abby naman ay ilang taon nang sumusubok na magbuntis, ngunit bigo sila dahil sa sakit ni Abby.

Sa pagdaan ng mga araw, mahuhulog ang loob nina Jason at Dennis sa isa’t-isa, at di magtatagal ay bibigay din sila sa tawag ng kanilang katawan. Ngunit magiging magulo ang lahat sa pagkakatuklas ni Abby sa kanilang lihim na relasyon nang mahuli sila sa akto ng pagtatalik.

Mas magiging malala ang sakit ni Abby at kakailanganing mamili ni Jason kung mananatili siya sa tabi ni Abby o sasama kay Dennis. Anuman ang kanyang piliin, siguradong may isang masasaktan.

Unang pasabog ni Direk Brillante sa Vivamax ang Palitan, na hinggil sa Girls Love between Cara Gonzales at Jela Cuenca. Ngayon naman, isang BL o Boys Love ang mapapanood sa Sisid.

Pahayag niya, “Seryoso ang treatment namin dito about the relationship that blossomed between two young men and we’re lucky to have Paolo and Vince kasi they understand the material at wala silang kaarte-arte in doing the delicate scenes.

“It was very natural for them… alam na nila yung dapat na gagawin nila. They will take off their clothes and do what the scene calls for.”

Esplika pa ng premyadong direktor, “Kaya ang sarap nilang katrabaho. Sobrang game sila. Wala silang plaster… marami silang bed scenes, pero siyempre, hindi ko naman ginamit lahat. Kung hindi naman kailangan, hindi ko isasama just for the sake of ano lang…”

Ano ang reaction niya sa sinasabi ng iba na puro sexy ang ipinalalabas sa Vivamax?

Tugon ni direk Brillante, “Ako naman ang point ko roon, no matter how we put it, how we see it, sex sells. Okay… and hindi talaga natin made-deny the fact that, people they want to watch sexy films, specially Fillipinos for that matter.

“So iyon talaga ang panonoorin nila and habang pinapanood nila, iyon lang ang nakikita nila. And some people who are not even watching films from Vivamax are saying na wala kayong ginawa kundi sexy films.

“Now, ang responsibility roon, kung iyon ang nafo-focus in terms of yung parang pinag-uusapan ng mga taong nanonood or hindi nanonood… ang sa akin is to, you know, take it from there as a filmmaker and as an artist na gumagawa sa Vivamax… Okay, kung iyan ay parte ng buhay ay parte ng kuwento, dapat ay hindi ka lang mag-focus doon.

“So that when they watch the film, even if they see sexy scenes, alam nila na parang hindi mo ginawa iyon dahil gusto mo lang gawin, kundi kailangan siyang gawin, na it’s very much part of the story,” mahabang saad pa niya.

Panoorin ang mga komplikadong emosyon ng mga relasyon sa Sisid na handog ng VIVA Films at Center Stage Productions.

Tunghayan ang kanilang Digital World Premiere ngayong January 18. Sa halagang 499 pesos, mauuna mong mamalas ang natatanging kuwento ng Sisid at makipagkamustahan sa mga cast at sa director nito sa isang espesyal at exclusive one night event.

Kinabukasan, January 19, mapapanood na sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva. Sa halagang 249 pesos, mapapanood mo na ang bagong obra maestra ng internationally-acclaimed director na si Mendoza.

Magsisimula naman ang regular streaming ng Sisid sa March 18 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America.

Pumunta lamang sa web.vivamax.net at hanapin ang Vivamax Plus para maka-purchase ng inyong tickets.

The post Brillante Mendoza on Sisid: Seryoso ang treatment namin dito appeared first on PSR.ph.



Brillante Mendoza on Sisid: Seryoso ang treatment namin dito
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post