Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pormal na oath taking ceremony ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) officers, February 9, Quezon City.
Suportado ni Belmonte ang PMPC na nagkaroon ng halalan noong January 28. Si Fernan De Guzman, isang radio host at kolumnista, ang prinoklamang presidente habang si Rodel Fernando naman ang VP.
Ang PMPC ay isang non-profit organization na nagbibigay ng karangalan at pagkilala sa entertainment industry, kabilang na ang mga artista, performers, at mga manggagawa sa likod ng kamera sa larangan ng pelikula, telebisyon, at musika.
Taun-taon, sila ay pinararangalan sa pamamagitan ng PMPC Star Awards for Movies, Television, and Music.
Narito ang buong listahan ng new set of PMPC officers this 2022:
Fernan de Guzman (president), Rodel Fernando (vice president), Mell Navarro (secretary), Mildred Bacud (assistant secretary), Lourdes Fabian (treasurer), Boy Romero (assistant treasurer), John Fontanilla (auditor), Francis Simeon, at Leony Garcia (public relations officers).
Board of directors: Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Jimi Escala, Sandy Es Mariano at Rommel Placente.
Malaki ang pasasalamat ng buong PMPC kay QC Mayor Joy. Nagpasalamat ang dating presidente na si Roldan Castro, editor ng Abante Tonite, dahil nairaos ang tatlong awards night sa kanyang termino.
Sinabi naman ni 2022 PMPC President de Guzman na ipagpapatuloy niya ang magandang simula ng virtual events ng PMPC kung saka-sakaling hindi pa rin mapapayagan ang physical awards night sa taong ito.
Hinikayat niya ang mga officers na lalong magsikap at magtulungan para sa kabutihan at ikauunlad ng PMPC at ng mga miyembro nito.
Sa mga bagong opisyales ng pamunuan ng PMPC, congratulations and best of luck. Mabuhay ang PMPC!
The post Belmonte supports newly elected PMPC officers appeared first on PSR.ph.
Belmonte supports newly elected PMPC officers
Source: Happy Pinas News