Sheree wants to work with director Brillante Mendoza

Brillante Mendoza. Photo by Noel Celis.

AMINADO si Sheree na gusto niyang maka-work ang magagaling na direktor.

Kaya naman happy ang Viva Hot Babes member dahil ang latest project niyang Island of Desire na tinatampukan nina Christine Bermas and Sean de Guzman ay mula sa pamamahala ng batikang director na si Joel Lamangan.

Pahayag ng aktres, “Ang bagong movie ko is Island of Desire, na si direk Joel Lamangan po ulit ang director.

“Love ko siya talaga. Kahit nakakatakot kung minsan, pero super-galing na director at masarap ka-work talaga si direk Joel.”

Dagdag pa ni Sheree, “Although may takot kang mararamdaman, pero gagaling ka sa craft mo, kasi matatakot ka na magalit siya sa iyo. So, i-perfect mo na agad ‘yung trabaho o eksena mo.”

Palabas na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Deception, starring Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez, Miggs Cuaderno, Sheree, at iba pa. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Joel.

Nagbigay pa ng rason ang nakapa-seksing aktres kung bakit masarap katrabaho si direk Joel.

Aniya, “Kasi po, matututo talaga sa kanya ang isang artista. And pagdating sa mga maseselang eksena, very tasteful ‘yung mga kuha ni Direk Joel sa love scenes, hindi malaswa.

“Same sila ni Direk Law Fajardo na director naman namin sa movie na Nerissa.”

Pahabol pa ni Sheree, “Dream ko rin maka-work si Direk Brillante Mendoza, sana one of these days ay matupad po iyon.”

Bakit gusto niyang maka-work si Direk Brillante?

Esplika ni Sheree, “Kasi, gusto ko pong ma-try talaga na makatrabaho lahat ng directors na magagaling. And si Direk Brillante, alam na naman natin ang kalibre niya bilang filmmaker.

“In the future po, if mabibigyan ng pakakataon gusto ko rin na maging kasing galing nila. Gusto kong mag-grow as an artist and for me, one way is to learn from the masters.

“Naniniwala kasi ako na iba pa rin ‘yung matuto ka, based on experience,” sambit pa ni Sheree na bukod sa iba pang pinagkaka-abalahan sa showbiz ay nakatutok din sa kanyang Youtube channel na Sheree On Top TV.

The post Sheree wants to work with director Brillante Mendoza appeared first on PSR.ph.



Sheree wants to work with director Brillante Mendoza
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post