Itinuturing ng talented na recording artist na si Erika Mae Salas na mahalagang bahagi ng buhay niya ang musika.
Wika niya, “Music is life. Without music po, I wouldn’t be here. Ito po ‘yung nagbibigay kulay sa paligid ko.
“Napakahalaga po ng music, dahil ito po ‘yung nakakapagpa-energize sa akin sa araw-araw. Sobrang suwerte ko nga po dahil masaya po ako sa ginagawa ko habang nagtatrabaho.”
Si Erika ay kabilang sa cast ng pelikula ukol sa SAF 44 na pinamagatang Mamasapano ng Borracho Films ni Atty Ferdie Topacio.
Siya ay nag-aaral ng Music Theater sa UST Conservatory of Music. Every Sunday ay mapapanood siya sa Erika’s Acoustic, Live sa kanyang FB page.
Ano ang last na ini-release niyang digital song and may plano bang mag-release ng new song?
Sagot ni Erika Mae, “Ang last na nai-record ko po ay during pandemic, iyong Biyahe ng Puso. Plan po naming gawan muna siya ng music video bago namin i-release. Hopefully this year po kapag medyo hindi hectic ang sched ko.”
Si Erika ang isa sa special guests sa show ng Pride of Ilagan City na si Nic Galano na mapapanood this Thursday, Aug. 11 sa Music Box. Titled In the Nic of Time, ito ay mula sa pamamahala ni Direk Obette Serrano.
Ano ang reaction niya na part siya ng show ni Nic Galano?
Wika ni Erika Mae, “Super excited! I think it’s my first time working with him po, kaya I’m really honored po na isa po ako sa mga napili nila bilang guest artists niya.”
Ano ang dapat i-expect ng manonood nito, lalo na sa part niya?
“Expect po nila ang maraming surprises and mag-eenjoy po sila sa bawat performance na handog ng bawat isa. Abangan din po nila ang aking special performance with Nic. Doon po, maipapakita ko rin ang aking talento sa pagsasayaw,” masayang kuwento pa ng magandang singer.
Pinuri rin ni Erika Mae si Nic.
“He’s really talented po and mabait. Mahiyain po pero kapag in-approach mo po, ready naman po makipagkwentuhan. Well-coordinated and professional para sa aming performance,” pakli ni Erika Mae.
Ang iba pang special guests sa In the Nic of Time ay sina Ate Gay, Hagibis 4th Generation, Regina Otic, Dax Martin, at ang 3nity Band. Kaya hindi lang matinding kantahan ang aabangan dito, kundi pati matinding tawanan!
The post Nic Galano, Erika Mae Salas to perform live at Music Box appeared first on PSR.ph.
Nic Galano, Erika Mae Salas to perform live at Music Box
Source: Happy Pinas News