Jomari Yllana bags second place at Paeng Nodalo Memorial Rally

Umarangkada ang actor-public servant na si Jomari Yllana sa katatapos na Paeng Nodalo Memorial Rally at nagtala ng puwestong second runner-up sa Rally Sprint RS Open Category.

Hindi nakitaan na kinakalawang o 10 years na hindi kumakarera si Jom sa kanyang magandang ipinakita rito.

Kaya naman proud na proud ang GF ni Jom na si Abby Viduya base sa social media post ng aktres.

“Congratulations my Baby!!! You did it again! So proud of you! You are amazing❤ I love you baby.”

Hindi rin makapaniwala si Jomari sa magandang ipinakita niya rito dahil nga ilang taon siyang walang practice.

Ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa Rally Sprint RS Open Class category na mayroong 26 competitors. Si Jom ay nagmaneho ng isang turbo diesel hatch CRDI.

Nagpasalamat siya sa kanyang navigator na si Jeremie Lo. Idine-dedicate ni Jom ang kanyang pagkapanalo sa kanyang mga fallen comrade na sina Ed del Rosario at Boy Ochoa.

Pahayag ni Jomari, “I joined the race just to have fun. I missed the sport, I like the adrenaline rush that it provides, especially when one hits podium finish.” 

“I think I’m good for another five years,” dagdag pa niya.

Posibleng sumali siya sa car racing sa United States, United Kingdom, at Spain.  Ang clan ng mga Yllana ay mula sa Majorca.

Kinilala rin ni Jomari ang suportang ibinigay ng anak na si Andre Yllana na nagtungo sa Subic para personal na makita ang pangangarera ng kanyang ama at bigyan ito ng moral support. Si Andre ay isa ring racing enthusiast.

Ipinahayag ni Jom na malaking bagay na naroon ang kanyang anak na mahilig din sa car racing dahil naka-inspire iyon sa kanya para  lalong pagbutihin ang pangangarera.

Ang Paeng Nodalo Memorial Rally isinagawa bilang tribute kay Paeng Nodalo, isa sa pillar ng motorsports, at nasa likod ng legendary Mabuhay Rally noong 1970.

The post Jomari Yllana bags second place at Paeng Nodalo Memorial Rally appeared first on PSR.ph.



Jomari Yllana bags second place at Paeng Nodalo Memorial Rally
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post