Why Quinn Carrillo loves portraying villain role

AMINADO si Quinn Carrillo na mas komportable siya kapag ang natotoka sa kanyang role ay maldita.

Aniya, “Mas komportable po ako kapag kontrabida, ayaw ko pong maging bida. sabi nyo nga po ay mas magaling ako kapag madlita ang role, hahaha!”

Dagdag pa ni Quinn, “Ang ipino-portray kong papel sa Showroom ay si Liezel, isa po akong condo sales agent na kayang gawin ang lahat, makamit lang ang gusto niyang luxury life. So, abangan po natin kung ano ang mga gagawin niya, para lang makuha ang buhay na gusto niya.”

Tampok sina Quinn at Rob Guinto sa pelikulang Showroom na tungkol sa ibang klase ng prostitusyon na nangyayari sa daigdig ng real estate.

Napaka-maldita niya sa pelikulang ito, ano ang reaction niya sa role na natoka sa kanya?

“Hindi po ako iyon, hindi po ako ganyan in real life, hahaha!” Nakatawang saad pa niya sa amin nang sabhin naming napaka-bad niya sa pelikulang ito.

Sino ang naging peg niyang kontrabida para mas magampanan nang effective ang role niya rito?

“Hindi ko sure kung sino ang peg, eh, siguro more on… naaalala ko noong time na ito ay gusto kong maging si Ms. Cherie (Gil) talaga. Tapos mas kinontrol ko lang talaga ‘yung pagiging maldita para passive-aggressive.

“Kaysa iyong mga other maldita na sobrang OA, sobrang loud, sobrang confrontational, kaya naging ganyan siya,” nakangiting sambit pa ni Quinn.

Nabanggit din ng actress/writer na wish niyang ang mas mapansin ay ang acting nila sa pelikula, kaysa sa mga sexy scenes dito.

“Yes po, feeling ko naman in this film, hindi naman din magfo-focus lang talaga sa mga intimate scene. Although marami, pero ‘yung execution talaga ni direk Carlo ay magfo-focus ka po talaga sa story, rather than intimate scene,” paikli ni Quinn.

“And lahat naman po ng mga sexy scenes na ginawa namin is very related to the story, kailangan po talaga sa mismong eksena at hindi iyong mga tipong basta inilagay lang sa pelikula. 

 “So I think, it will work, sobrang ma-aapreciate ng viewers ang story and the actors, rather than the intimate scene itself,” diin pa niya.

Mula sa pamamahala ni Direk Carlo Obispo at sa panulat ni Quinn, ang Showroom ay mapapanood na ngayon sa Vivamax. Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at ng Viva Films. Kasama sa pelikula sina Kit Thompson,  Emilio Garcia, Paolo Rivero, AJ Oteyza, Itan Rosales, Nico Loco, at iba pa.

The post Why Quinn Carrillo loves portraying villain role appeared first on PSR.ph.



Why Quinn Carrillo loves portraying villain role
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post